Pagsisiyasat para sa mga Mandaragat tunkol sa pantaong elemento ng pandaigdigang pamimirata at armadong pagnanakaw
Noong ika-12 ng Hunyo, ang International Maritime Bureau kasama ang Maritime Piracy Humanitarian Response to Piracy (MPHRP) at ang Oceans beyond Piracy ay naglabas ng kanilang unang ulat patungkol sa Human Cost of Piracy (HCOP). Ipinakita dito ang lawak ng pisikal at sikolohikal na pang-aabusong naranasan ng mga marinong nabihag ng ma pirata hanggang sa kanilang paglaya.
Kinilala ng mga organisasyong nabanggit ang gampanin ng HCOP na hindi tumitigil sa pagtingin di lamang sa pisikal at sikolohikal na pang-aabuso kung hindi pati na rin ang mga totoong damdamin ng mga marino at ang pinagsama-samang takot, alalahanin at damdamin ng kanilang mga pamilya.
Ang layunin nitong Seafarer Survey on Human Elements ay upang malaman kung ano ang tunay na pinagdaraanan ng ating mga marino gayundin nang kanilang mga pamilya.
Walang tama o maling sagot sa mga sumusunod na katanungan kung kaya’t aming hinihiling na iyong sagutan ang lahat ng mga pahayag na may katotohanan upang malinawan ang susunod na HCOP sa inyong totoong saloobin.
Ang mga pahayag na mababanggit ay nahahati sa mga pangunahing lugar na apektado ng pamimirata at pagnanakaw. –
1. Mga pirata mula sa Somalia kabilang ang Gulf of Aden, Gulf of Oman, Arabian Sea, Indian Ocean, Southern Red Sea at iba pang mga nakapaligid na katubigan.
2. Mga katubigan at daungan ng Gulf of Guinea kabilang ang mga katubigan ng Benin, Cameron, Ghana, Ivory Coast, Nigeria, Sierra Leon, Togo at iba pang mga nakapaligid na katubigan at daungan.
3. Mga katubigan at daungan sa Timog-Silangang Asya kabilang ang Indonesia, Philippines, Malacca Straits, Malaysia, Singapore Straits, Vietnam at iba pang mga nakapaligid na katubigan at daungan.
Maaari mong piliin ang iyong sagot mula sa dropdown box na mayroong mga kasagutan na – higit na sumasang-ayon, sumasang-ayon, walang nalalaman, hindi sumasang-ayon, at higit na di sumasang-ayon.
Kahit na hiniling namin na iyong kumpletuhin ang lahat ng iyong mga pangunahing detalye, ikaw ay makasisiguro na hindi mababanggit ang iyong pagkakakilanlan sa gagawing ulat. Mga impormasyong pangkalahatan lamang ang mababanggit.
Upang bisitahin ang form sa Ingles o Hindi, mangyaring mag-click dito ayon sa pagkakabanggit -> Ingles Wika, Hindi Wika.